Litratong Pinoy: mag-Liwaliw sa Davao People’s Park
By Kerslyn On August 14th, 2008
Isa sa pinakamasarap gawin…ang magliwaliw sa lansangan, sa mall o kahit saan. Ito ay kuha sa “People’s Park” ng lungsod ng Davao (Davao City). Ipinagawa ito ng pamahalaang lungsod para sa mga tao. Isipin nyo, sa ganito kagandang parke na nababakuran, maliwanag sa gabi, maraming gwardiyang nagbabantay…ang pagpasok dito ay libre kaya makikita mo dito lahat ng klase ng tao – matanda man o bata. Karamihan ng pupumunta dito ay mga pamilya na may bitbit na baon para sa hapunan o meryenda. Narito ang iba pang larawan kuha sa parkeng ito.




